Rabiya Mateo
TV

Rabiya Mateo, gaganap na Maria Makiling sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Si Rabiya Mateo ay si Maria Makiling sa mystery revenge drama na Makiling.

Isang magical revelation ang mapapanood ngayong hapon sa mystery revenge drama na Makiling dahil ipakikilala na ang beauty queen-turned-actress na gaganap bilang si Maria Makiling - ito ay walang ibang kung 'di si Rabiya Mateo.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Rabiya, sinabi ng actress-host na dream come true para sa kanya ang gumanap bilang Maria Makiling dahil bata pa lamang siya ay pangarap niya na ang maging isang diwata.

Aniya, “When it was first offered to me, I was very grateful talaga kasi dream ko talaga mag-portray ng isang diwata. I remember nu'ng bata ako, 'yung kumot gagawin ko siyang long gown tapos, 'yung flowers, 'yung santan ilalagay ko siya sa buhok ko, 'yung mga bugambilya, tapos kunwari ako 'yung diwata.

“So, parang it's a childhood dream at happy ako na napunta siya sa akin kaya I'm more inspired to really do my best in this project.”

Ayon pa kay Rabiya, pamilyar na siya sa kuwento nii Maria Makiling dahil minsan siyang tumira noon sa Calamba, Laguna.

“Kasi galing po ako sa Calamba, Laguna doon po ako nag-grade two. So, dati kinukuwento po siya sa akin ng mama ko, ng mga malalapit na tao sa akin.

“So, alam ko na si Makiling hindi talaga siya pure na mabait na diwata, meron din siyang side na kung saan hindi siya natatakot na parusahan ang mga taong karapat-dapat na parusahan especially 'yung mga taong may galit sa puso nila against environment,” ani Rabiya.

Kumpiyansa rin ang aktres sa ganda ng kuwento ng Makiling na tiyak na magugustuhan ng mga manonood.

“I know na magiging super ganda ng kuwento, kapupulutan siya ng aral about taking care of our environment, about relationship.

“So, marami siyang aspeto na mata-tackle, and of course this is produced by GMA Public Affairs, so tiwala talaga ako sa quality of story na ibibigay namin sa mga kapusong manonood,” proud na sinabi ni Rabiya.

Sa Philippine folklore, si Maria Makiling ay isang mahiwagang diwata na pinaniniwalaang nakatira sa bundok Makiling sa Laguna. Siya ay mabait at matulungin ngunit labis na nagalit nang siya ay abusuhin ng mga tao.

Ang kanyang kuwento ay isa sa mga inspirasyon ngayon ng revenge series na Makiling na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio na gumaganap naman bilang magkasintahan na sina Amira at Alex.

Pero ano kaya ang magiging papel ni Maria Makiling sa buhay ng mga bida na sina Amira at Alex? Ito ang dapat pakatutukan.

Kaya naman subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The stunning looks of Rabiya Mateo

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.