GMA Logo MAKA actress Chanty
What's on TV

MAKA Season 2: Chanty, nabiktima ng illegal recruiter!

By Aimee Anoc
Published April 3, 2025 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA actress Chanty


Alamin ang mabigat na pinagdadaanan ng karakter ni Chanty sa 'MAKA Season 2' ngayong Sabado sa GMA.

Mas makikilala na si Chanty sa ikasampung episode ng MAKA Season 2.

Sa teaser na inilabas ng hit youth-oriented show, tampok sa upcoming episode ngayong Sabado (April 5) ang buhay ni Chanty at ang sikretong itinatago nito.

Sa likod ng pagiging maldita at queen bee ni Chanty ay may mabigat pala siyang pinagdadaanan sa buhay, kung saan nabiktima siya ng illegal recruiter at nabaon din sa utang.

Samantala, paniguradong kikiligin kina Zeph (Zephanie) at Shan (Shan Vesagas) ngayong Sabado. Makikita ang pagkabigla sa mukha ni Zeph nang tanungin ito ni Shan kung may gusto pa ba itong malaman tungkol sa kanya.

Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

BALIKAN ANG PASABOG NI ELIJAH SA ACQUAINTANCE PARTY NG MACARTHUR ACADEMY SA GALLERY NA ITO: