Bryce Eusebio at Josh Ford, nakatanggap ng birthday surprise mula sa 'MAKA' co-stars
Kapwa nakatanggap ng birthday surprise sina Bryce Eusebio at Josh Ford mula sa co-stars sa MAKA.
Ipinagdiwang ni Josh ang kaniyang 20th birthday noong Martes (March 12), habang magse-celebrate naman si Bryce ng kanyang 19th birthday sa Sabado, March 15.
Sa post ng GMA Public Affairs, ipinakita ang ginawang sorpresa ng MAKA cast kina Bryce at Josh kung saan dinalhan sila ng cakes at kinantahan ng "Happy Birthday."
Kitang-kita naman ang saya ng dalawang aktor sa birthday surprise na natanggap mula sa co-stars. Kapwa rin nag-wish sina Bryce at Josh bago hipan ang kandila sa kanilang mga cake.
Kabilang sina Bryce at Josh sa bagong cast members ng MAKA Season 2 kasama sina Elijah Alejo, Shan Vesagas, Cheovy Walter, at MJ Encabo.
Nagbabalik naman sa hit youth-oriented show sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: