GMA Logo MAKA Season 2
What's on TV

Netizens, excited na sa season 2 ng 'MAKA' at bagong cast members

By Aimee Anoc
Published December 20, 2024 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2


Sinu-sino kaya ang mga bagong makakasama sa MAKA squad? Abangan sa season 2 ng 'MAKA' ngayong Enero sa GMA.

Opisyal nang inanunsyo ang pagkakaroon ng season 2 ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Napanood noong Sabado (December 14) ang huling episode ng MAKA ngayong taon. Magsisimula naman ang pilot episode ng season 2 sa January 2025.

Ngayon pa lamang ay marami na ang excited sa pagbabalik ng MAKA at sa mga bagong cast member na makakasama sa MAKA squad.

Isa sa mga dapat na abangan sa season 2 ay kung totoo nga bang magsasara na ang MAKA High?

Tampok sa MAKA ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA High.

Matutunghayan sa teen show ang iba't ibang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ILANG MGA EKSENA SA SEASON FINALE NG 'MAKA' RITO: