GMA Logo maka tcard
What's on TV

'MAKA' OSTs 'Puwede ba?' and 'Gugma' now available for streaming!

By Aimee Anoc
Published December 13, 2024 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

maka tcard


Mapapakinggan na sa digital music platforms ang "Puwede ba?" at "Gugma," na kasama sa 'MAKA Vol. 3' album.

Maaari nang mapakinggan ang original soundtracks ng MAKA na "Puwede ba?" at "Gugma" sa Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.

Mayroong apat na tracks ang volume 3 ng MAKA at ito ay ang "Puwede ba?" na inawit nina Ashley Sarmiento at Marco Masa at ang "Gugma" na kinanta naman nina Olive May at John Clifford. Kasama rin sa album ang backing tracks ng dalawang kanta.

Pakinggan ang "Puwede ba?" at "Gugma" sa 'MAKA Vol. 3' album DITO:

Mayroon nang mahigit 3.5 million views online ang nakakakilig na recording nina Ashley Sarmiento at Marco Masa ng "Puwede ba?"

Kilig din ang hatid ng recording video nina Olive May at John Clifford na Tagalog, Bisaya love song na "Gugma."

Samantala, available na rin sa digital music platforms ang 'MAKA Vol. 1' kung saan mapapakinggan ang "MAKA" at "Makakaya," at ang 'MAKA Vol. 2' na naglalaman ng duet songs nina Zephanie at Dylan Menor na "Catching Feelings" at "MAKA (duet)."

Abangan ang special announcement ng MAKA sa bonus episode nito ngayong Sabado, December 14, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: