Season finale ng 'MAKA,' pinuri at kinakiligan ng netizens
Napuno ng papuri ang netizens sa tagos-puso at nakakakilig na season finale ng MAKA na napanood noong Sabado, December 7.
Marami ang pumuri sa maganda at nakaka-inspire na kuwento ng youth-oriented show, maging sa husay ng young stars na bumubuo rito na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Sa season finale, iba't ibang rebelasyon ang nasaksihan. Nalaman na ni JC kung sino ang tunay niyang ama at ang pagiging magkapatid nila ni Dylan.
Hinarap na rin ni Zephanie ang kanyang ina at dito niya nalaman kung bakit masama ang trato sa kanya ng ina dahil itinuturing siya nito na isang pagkakamali.
Samantala, nakaligtas si Dylan mula sa pagkaka-comatose matapos na mabangga ng sasakyan. Nakapag-perform din ito kasama nina Zephanie, Marco, at Ashley sa kanilang school competition kung saan ang section nila ang nanalo.
Ipinagtapat na rin ni Marco ang tunay na nararamdaman para kay Ashley. At hindi naman makapaniwala si Ashley sa pagtatapat na ito sa kanya ni Marco.
Nagkaroon na rin ng linaw sa kasong kinasangkutan ni Sir. V (Romnick) at napatunayang orihinal ang kanyang mga likha bilang isang award-winning playwright at art theater director.
Pero, hindi pa rito magtatapos ang MAKA dahil magkakaroon pa ito ng bonus episode sa darating na Sabado, December 14. Dapat ding abangan ng viewers ang special announcement ng MAKA sa Sabado.
Panoorin ang episode 12 ng MAKA sa video na ito:
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ILANG MGA EKSENA SA SEASON FINALE NG 'MAKA' RITO: