Valerie Concepcion
TV

Valerie Concepcion, makakasama na sa cast ng 'MAKA'

By Aimee Anoc
Bukod kay Karen Delos Reyes, mapapanood din sa 'MAKA' ang dating 'Click' cast member na si Valerie Concepcion.

Makakasama na rin sa GMA Public Affairs' youth-oriented show na MAKA ang aktres na si Valerie Concepcion na dating cast member ng Click.

Mapapanood si Valerie bilang ina ng isa sa MAKA young stars na binubuo nina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng MAKA ang pagpasok ng dati ring Click cast member na si Karen Delos Reyes kung saan mapapanood siya bilang ang estapadorang ina ni Ash, na ginagampanan ni Ashley Sarmiento.

Una nang napanood sa teen show ang That's Entertainment, T.G.I.S., at Tween Hearts stars na sina Jeffrey Santos, Bernadette Allyson, at Jake Vargas, na gumanap bilang ama, ina, at kapatid ni Marco (Marco Masa), ayon sa pagkakasunod.

Tampok sa MAKA ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High, kung saan natutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang ikapitong episode ng MAKA sa video na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.