TV

Martin del Rosario, gaganap bilang amateur boxer sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Updated On: March 2, 2023, 02:32 PM
Bibigyang-buhay ni Martin del Rosario ang kuwento ng isang amateur boxer sa bagong episode ng '#MPK'.

Isa na namang natatanging pagganap ang maaasahan mula kay Kapuso actor at Sparkle star Martin del Rosario sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong linggo.

Bibigyang-buhay niya kasi ang kuwento ni Bong, isang amateur boxer sa episode na pinamagatang "Almost A Champion: The Renerio 'The Amazing' Arizala Story."

Isang boxing fan si Bong at mangangarap siyang maging professional boxer tulad ng idolo niyang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Palagay niya, boxing ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan.

Supportive sa pangarap na ito ang kuya niyang si Andres, played by Jon Lucas. Ito pa mismo ang gagastos para sa training ni Bong.

Paano makakamit ni Bong ang kanyang pangarap? Ano kaya ang mga pagsubok na haharapin niya habang tinatahak ang daan patungong tagumpay?

Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na "Almost A Champion: The Renerio 'The Amazing' Arizala Story," March 4, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.