Kokoy de Santos, gaganap bilang kanyang sarili sa '#MPK'
Buhay ni Kapuso actor at Sparkle star Kokoy de Santos ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong linggo.
"Na-excite ako kasi hindi lahat ng tao, hindi lahat ng artista, nabibigyan ng chance para ma-share 'yung buhay nila sa ganitong klaseng programa na alam naman nating matagal na rin," pahayag ng aktor.
Iikot ang episode sa pagsisikap ni Kokoy na makapasok sa mundo ng showbiz para makatulong sa pagtataguyod ng kanyang pamilya.
"Isa rin ito sa mga pinangarap ko before--na ma-share and mag-tell ng story para maka-inspire sa mga katulad ko na aspiring na magkaroon ng magandang work, mga blessings," lahad niya.
Lalo pa itong naging espesyal dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode.
"Tinanong nila ako. Sino gusto mong gumanap sa'yo? Ha? Ako po, kasi may bayad po 'yun eh. Ang hirap sa iba n'yo pa ipapagawa. Sa akin n'yo na lang ibigay 'yun," biro ni Kokoy sa kanyang casting.
Pero pagserseryoso ni Kokoy, mas kilala lang daw niya talaga ang sarili kaya siya na mismo ang gumanap.
"Siyempre ako 'yun, buhay ko 'yun so feeling ko mas mabibigyan ko rin minsan ng correction 'yung mga nasulat na feeling ko baka hindi ko ginagawa talaga," aniya.
Umaasa daw siya na maraming makaka-relate sa kanyang kuwento, lalo na ang mga kabataan na nais subukan ang pagiging artista.
"Ito pa lang 'yung simula para doon sa tatahakin ko para ma-inspire din 'yung mga kagaya ko na gustong pumasok sa industriya. Huwag matakot na mag-try kasi nandoon naman talaga 'yung sugal. Isusugal mo lahat pati 'yung pagktao mo. Minsan kahit inaapakan ka na kailang mong [magtimpi] kasi siyrempe trabaho 'yung and normal lang 'yun. Uuwi ka pa rin naman sa pamilya mo," bahagi niya.
Makakasama ni Kokoy sa episode sina Shamaine Buencamino, Jong Cuenco, Analyn Barro, Miggs Villasis, at Jennie Gabriel.
Panoorin ang talambuhay ni Kokoy sa brand new episode na "A Son's Promise: The Kokoy de Santos Story," February 18, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: