Sheryl Cruz, gaganap bilang biktima ng kulam sa brand new episode ng '#MPK'
Bibida si Sheryl Cruz sa nakakakilabot na brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Alma na biktima 'di umano ng kulam.
Matagal nang nagsasama si Alma at kanyang live-in partner na si Simon, played by Leandro Baldemor. May anak na rin silang teenager, si Nathan, na karakater naman ni Zyren dela Cruz.
Nang mapabilang sa isang Christian group si Alma, tatanggi na siyang makipagsiping kay Simon hanggang hindi pa sila ikinakasal.
Kalaunan, malalaman niyang may ibang babae na si Simon at kinukunsinti pa ito ng kanyang inang si Mamang, role naman ni Rosemarie Sarita.
Kokomprontahin ni Alma ang mag-ina at kalaunan, may iba't ibang sakit na siyang mararamdaman.
Kulam na nga ba ito? Sino naman ang gumawa nito kay Alma?
Panoorin ang brand new episode na "Kinulam na Ina," January 28, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: