Glydel Mercado at Cassy Legaspi, bibida sa '#MPK'
Bibida sina Glydel Mercado at Cassy Legaspi isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng isang ina na magbebenta ng kanyang anak sa "Sana Muling Makapiling."
Si Glydel ay si Erlin, isang ina na mapipilitang ibenta ang bunsong anak para maipagamot ang asawang may malubhang sakit.
Matapos ang mahigit isang dekada, muli niyang makikita ang anak na si Dalia, karakter ni Cassy Legaspi.
Malalaman ni Dalia ang totoo mula sa kanyang adoptive mother at pipiliin niyang sumama kay Erlin. Magsasama ang mag-ina sa iisang bubong pero tila may nananatiling tensyon sa pagitan nila.
Ano ang kahihinantnan ng reunion nina Erlin at Dalia?
Bukod kina Glydel at Cassy, bahagi rin ng episode sina Joyce Ching, Racquel Pareño, at Prince Clemente.
Huwag palampasin ang "Sana Muling Makapiling," January 6, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: