TV

Mel Tiangco, magpapatuloy na maghatid ng inspiring true stories sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Magpapatuloy daw sa paghahatid ng inspiring true stories ang '#MPK' na nagdiriwang ng 20th anniversary nito.

Dalawang dekada nang naghahatid ng mga kuwentong nagpaiyak, nagpatawa at siyempre, nagdala ng inspirasyong ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Proud daw ang host nitong si Mel Tiangco sa mga handog nilang totoong kuwento ng mga tunay na tao.

"Nais namin na pagkataoos mapanood 'yung episode ng Magpakailanman, magkakaroon ngayon ng upliftment 'yung spirit ng televiewer. Either that or magkakaroon siya ng inpirasyon or mayroon siyang matutunang aral, mayroon siyang iiwan para sa kanya, para sa kanyang kabutihan," pahayag ni Tita Mel sa media conference para sa 20th annivesary ng #MPK.

Bukod sa inspiring stories, umaasa rin siya at ang programa na maka-relate ang maraming nakababatang viewers sa kanilang palabas.

"Nais namin sana na [maghatid pa ng] stories that relate to the younger set. All the stories about life apply to each and every human being no matter what the age is," aniya.

Dahil dito, gusto raw niyang maging hasaan din ng young talent ang serye.

"May Sparkle tayo ngayon 'di ba? Sana 'yung mga batang 'yan maging guest din namin sooner or later in Magpakailanman. Lahat siyempre, gusto namin lahat makasubok sa Magpakailanman. Why? Because napaka challenging ng roles ng Magpakailanman," bahagi niya.

Ngayong month-long celebration ng 20th anniversary ng #MPK, ilang special episodes ng inihanda ng programa para sa mga manonood.

"Sana nga po abangan niyo ang mga espesyal na inihanda naming mga totoong kuwento para sa inyo ngayong 20th anniversary ng Magpakailanman. Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta, pagtangkilik at pagmamahal ninyo sa Magpakailanman, ngayon bukas at magpakailanman," lahad ni Tita Mel.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, patuloy na tumutok sa #MPK, every Saturday, 8:15 p.m. sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.