IN PHOTOS: Tampok si Gabby Concepcion sa isang action drama sa 'Magpakailanman'

Isang saludo sa mga ama ang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.
Tampok dito ang aktor na si Gabby Concepcion bilang Raul, isang amang itayaya ang lahat para sa anak.
Maghihiwalay si Raul at ang kanyang asawang si Linda, role ni Valerie Concepcion. Ipagdadamot naman ni Linda sa kanya ang anak na si Grace, na gagampanan ni Inah de Belen.
Gayunpaman, gumagawa ng paraan si Raul na maging bahagi pa rin ng buhay ni Grace.
Ikagugulat ni Raul nang malaman niyang nawawala si Grace. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, dinukot ito ng isang malaking sex and human trafficking syndicate.
Kaya naman gagawin ni Raul ang lahat para mabawi ang anak. Makakauwi pa ba si Grace?
Abangan ang action drama na "Ibalik Mo Sa Akin Ang Anak Ko" ngayong Sabado, November 13, 8:15 pm sa '#MPK.'






