
Siguradong matatawa at maiiyak ang mga manonood sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tampok kasi dito ang buhay ng komedyanteng si Tess Bomb at kapwa niyang komedyante na si Rufa Mae Quinto ang magbibigay-buhay sa kanyang kuwento.
Hindi lang mahusay, kundi napakasipag pa ni Tess Bomb bilang isang komedyante. Tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng hosting gigs at acting jobs. Nagsusumikap siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Pero tila nasobrahan sa kasipagan si Tess kaya napabayaan niya ang kanyang kalusugan.
Bukod dito, naisakripisyo na rin niya ang pansariling kaligayahan.
Alamin ang naging buhay ni Tess Bomb sa sa brand new drama-comedy episode na pinamagatang "Laughter and Tears: The Tess Bomb Story," September 24, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: