Anak ni Kristoffer Martin, naiyak sa '#MPK' episode ng aktor
Bumida si Kapuso actor Kristoffer Martin sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na pinamagatang "Ang Pagtatapos ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story."
Gumanap si Kristoffer dito bilang Mark, ang lalaking pumanaw isang buwan bago ang pinakahihintay niyang graduation.
Para parangalan ang pagsisikap ng anak, minabuti ng kanyang amang si Felipe na magmartsa sa graduation ceremony kasama ang standee ni Mark.
Nakasama ni Kristoffer sa episode ang beteranong aktor at direktor na si Ricky Davao na gumanap bilang si Felipe.
Pinanood ni Kristoffer ang episode kasama ang kanyang asawang si AC Banzon at anak nilang si Precious Christine o Pré.
"My daughter's reaction when she's watching our Magpakailanman episode," sulat niya sa Instagram kasama ang maikling video ng kanilang family bonding.
Makikita sa video na napaluha si Pré at tila nagpipigil umiyak kaya nakangiti habang tinutukso ni Kristoffer.
"Why are you crying? What? Is daddy dead?" tanong ni Kristoffer sa anak.
Ang episode na "Ang Pagtatapos ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story" ay base sa viral story ng amang nag-martsa sa graduation ng anak kasama ang cardboard standee nito.
Inatake kasi sa puso at namatay ang kanyang anak isang buwan bago ang graduation.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: