What's on TV

Ricky Davao, bibigyang-buhay ang kuwento ng amang nagmartsa kasama ang standee ng yumaong anak sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published July 13, 2022 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Ricky Davao on MPK


Sa bagong episode ng '#MPK,' gaganap si Ricky Davao bilang ang viral na amang nagmartsa sa graduation kasama ang standee ng yumaong anak.

Isang natatanging pagganap na naman mula kay veteran actor and director Ricky Davao ang mapapanood sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Ang Pagtatapos ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story," gaganap si Ricky bilang Felipe, isang tatay na nagmartsa sa graduation ng anak kasama ang standee nito.

Biglaan kasing binawian ng buhay ang kanyang anak na si Mark isang buwan bago ang graduation ceremony nito.

Kahit nagluluksa, hindi pinalampas ni Felipe na makapagmartsa pa rin ang anak.

Marami ang naantig sa kuwento niya kaya agad na nag-viral ang video niya noong graduation ni Mark.

Makakasama ni Ricky sa episode si Kapuso actor Kristoffer Martin na gaganap bilang anak niyang si Mark.

Bukod sa kanila, bahagi rin ng episode sina Melissa Mendez, Joana Marie Tan, Dani Porter at Dave Duque.

Abangan 'yan sa brand new episode na "Ang Pagtatapos ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story," July 16, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: