IN PHOTOS: Isang babae, iibig sa kambal sa '#MPK'
Isang kakaibang kwuento ng isang babaeng iibig sa kambal ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Masayang namumuhay si Connie (Katrina Halili) at asawang si Jak (Dion Ignacio) kasama ang kanilang mga anak.
Bigla na lang mababalitaan ni Connie na may ibang babae si Jak kaya agad niyang hihiwalayan ito!
Nang malaman ni Connie na may malubhang sakit si Jak, babalikan niya ito at aalagan. Sa kasamaang palad, mamamatay din si Jak.
Sa libing ni Jak, ikagugulat ni connie nang malamang may kakambal pala ito, si Jill (Dion Ignacio).
Sinisisni ni Jill si Connie sa pagkamatay ng kakambal. Bukod dito, masama din ang loob nito sa pag-iwan ni Connie kay Jak dahil tsismis lang naman ang naging basehan nito.
Asot's pusa man sila, tumutulong pa rin si Jill sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga anak ni Connie.
Dahil dito, muling titibok ang puso ni Connie. Pero tama bang mahalin ang kakambal ng kanyang yumaong asawa?
Alamin sa "Kambal na Pagmamahal: The Connie Guarino Story," ngayong Sabado, September 12, 8:00 pm sa '#MPK.'
Pagsasama
Masaya ang pagsasama ng dalawa, pero nang mabalitaan ni Connie na may ibang babae daw si Jak ay nilayasan niya ang asawa.
Pagpanaw
Nagkaayos sila pero huli na ang lahat dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Jak kaya maaga itong pumanaw.
Jill
Kinailangang tumira ng pamilya ni Connie sa bahay nina Jak kaya makakasama niya dito ang kakambal ng asawa na si Jill.