Jak Roberto, pinuri sa kanyang performance sa #MPK
"Maganda ang brand new comeback episode ng 'Magpakailanman'...nakaka-happy. Ito ang saad ng writer and director na si Ronaldo Carballo patungkol sa latest episode ng #MPK kung saan bumida si Jak Roberto bilang DJ Loonyo .
Kuwento ni Ronaldo, "Ang ganda ng new taped episode ng 'Magpakailanman,' featuring the life story of the viral social media sensation, "Dance King ng Quarantine," DJ LOONYO. Very creative in all aspects ang episode sa dami ng limitasyon dahil sa pagsunod sa COVID-19 Protocols."
"Di nag-suffer ang quality ng drama. Mas gumanda pa nga kase hindi ito naging melodrama. Simple & quiet lang ang episode. Maganda ang pagkasulat at mahusay ang direksyon ni Zig Dulay."
Inihayag rin niya ang paghanga sa husay ng Kapuso actor na si Jak dahil sa kanyang pagganap sa role niya rito.
"Mahusay si JAK ROBERTO sa pagganap n'ya bilang DJ Loonyo na dancer rin pala talaga in real life. Timpladung-timplado ang akting n'ya na banayad lang at wala ni katiting na ka-OA-yan. With a good episode like this na simple lang ang pagkagawa, pwede nang magtuluy-tuloy ng taping ng mga brand new episodes strictly observing the safety of all the actors, staff & crew."
Sa huli ay binati nito ang programa sa matagumpay na pagbabalik.
"Congrats sa lahat nang bumubuo ng 'Magpakailanman' sa matagumpay na comeback episode."
IN PHOTOS: Jak Roberto bilang DJ Loonyo sa '#MPK'
#NewNormal: Celebrities at ang kanilang pagbabalik-trabaho