
Ang bawat isa sa atin, mapalalaki man o babae, ay karaniwang inaasahang magtatapos ng pag-aaral, mag-aasawa, at magbubuo ng isang pamilya
Pero sa salaysay na aming ibabahagi sa inyo, iba ang naging kapalaran ng ating bida.
Bagama't maganda at may magandang career, nanatiling “single” si Grace. Kung hindi nai-insecure ang lalaki dahil sa antas nila sa isa't isa, nariyang iba't iba ang naging rason para pag-ibig nila ay iniisantabi muna.
Hanggang sa lumagpas na sa kalendaryo ang kanyang edad. 'Ika nga'y tumanda na siyang dalaga. Para sa kanya, nabigo niya ang pangarap ng ina na makita siyang ikinakasal. Nasira na rin ang nag-iisa niyang pag-asa nang siya ay magkasakit ng myoma na naging dahilan para hindi na siya magka-anak kung saka-sakaling siya ay makakapag-asawa pa.
Ito ba talaga ang kanyang tadhana o ang kanya bang puso ay mapapagod na sa kakahanap ng tamang lalaking inilaan para sa kanya?
Ngayong Sabado, Disyembre 28… Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at umiyak sa totoong kuwento ng isang babae na tumandang dalaga ngunit hindi natitinag ang puso sa paghihintay ng lalaking sa kanya ay itinadhana.
Abangan si Ms. Alice Dixson sa natatanging pagganap niya bilang Grace. Kasama rin sina Ms. Tessie Tomas, Samantha Lopez, Shelly Hipolito, Prince Villanueva, Jay Gonzaga, Sheila Marie Rodriguez at Ken Alfonso.
Ang “Paskong Malamig Ang Puso" ay sa ilalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal, sa panulat ni Agnes G. Gagelonia -Uligan at sa pananaliksik ni Angel Launo.
Huwag palampasin ang kwento tungkol sa pag-ibig at pag-asa ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.