GMA Logo
What's on TV

Part 2 ng '#MPK' anniversary special na pinagbibidahan ni Dennis Trillo, mapapanood ngayong Sabado

By Marah Ruiz
Published December 10, 2019 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Magpapatuloy ngayong Sabado ang '#MPK' anniversary special na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

Magpapatuloy ngayong Sabado, December 14, ang anniversary special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa two-part episode na ito, tampok si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Rens, isang OFW na nakipagsaparalan sa Saudi Arabia.

Hihingi ng tulong sa kanya ang mga kapwa niya Pilipino na minamaltrato pala ng kanilang amo.

Papayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na huwag nang makialam dahil panganib lang ang magiging dala nito sa kanyang buhay.

Panoorin ang highlights ng unang bahagi ng episode na "OFW Most Wanted."


Huwag palampasin ang part two ng "OFW Most Wanted," ngayong Sabado, December 14, sa #MPK, pagkatapos ng Daddy's Gurl.


#MPK celebrates anniversary with two-part suspense drama special

Former OFW gets emotional after watching Dennis Trillo portray his life in 'Magpakailanman' special