GMA Logo
What's on TV

Magpakailanman presents "Sagip Buhay Ng Kaaway (The Sultan Binjihad Guro and Sgt. Antonio Casilis Story)"

Published November 12, 2019 2:19 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Maaari nga bang mabuo ang pagkakaibigan ng dalawang nilalang mula sa magkasalungat na panig ng digmaan? Sa pangunguna nina Kapuso actors John Estrada at Rayver Cruz, tunghayan ang isa na namang totoong kwento ng mga totoong tao na aantig sa inyong mga puso ngaying Sabado sa 'Magpakailanman.'

Maaari nga bang mabuo ang pagkakaibigan ng dalawang nilalang mula sa magkasalungat na panig ng digmaan? Ano ang kaya nilang i-sakripisyo para mamayani ang pagkakaisa at kapayapaan?

Tunghayan ngayong Sabado ang kakaibang kwento nina Commander Binjihad, leader ng isang rebeldeng grupo, at Sgt. Tony Casilis, isang Marines officer, na nagawang iligtas ang buhay ng isa't-isa sa gitna ng madugong digmaan. Pinatunayan nilang maaaring makamit ang tunay na kapayapaan sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang idelohiya at pinaniniwalaan.

Sa pangunguna nina Kapuso actors John Estrada at Rayver Cruz, tunghayan ang isa na namang totoong kwento ng mga totoong tao na aantig sa inyong mga puso.

Ang “Sagip Buhay Ng Kaaway: The Sultan Binjihad Guro and Sgt. Antonio Casilis Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Dominic Zapata, mula sa panulat ni Loi Nova, at pananaliksik ni Rodney Junio.

Mapapanood ngayong Sabado, November 16, 8:30 ng gabi, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman.