What's on TV

WATCH: Jak Roberto, nag-stunt training para sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published August 28, 2019 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Naging abala si Kapuso hunk Jak Roberto sa taping ng upcoming episode ng real life drama anthology series na 'Magpakailanman.'

Naging abala si Kapuso hunk Jak Roberto sa taping ng upcoming episode ng real life drama anthology series na Magpakailanman.

Jak Roberto
Jak Roberto

Bukod kasi sa pag-arte dito, nakatanggap din siya ng simpleng training para magawa ang sarili niyang stunts para sa episode.

"Kung dati, sayaw ang itinuro nila sa akin, ngayon naman mga tols, isa ko sa mga action star. So 'yan, tuturuan nila ko ng mga stunts," ani Jak.

"Sa totoo po, ang aming episode ngayon ay ang napapanahong issue na kailangang tutukan," paliwanag ni Jak tungkol sa episode.

Ang tinutukoy niya ay ang pagkakakalat ng mga maselang video online, pati na ang bashing na kaakibat nito.

Gaganap si Jak bilang Dan Ardales, binatang muling makakahanap ng pag-ibig kay Abbie Tolentino, isang babaeng biktima ng sex video scandal.

Hindi magiging madali ang kanilang relasyon dahil magigi silang tampulan ng pangungutya online at maging sa tunay na buhay.


Bukod kay Jak, bibida rin sa episode si Klea Pineda na gaganap bilang Abbie. Si Don Michael Perez ang magsisilbing direktor ng episode.

Abangan ang "The Girl in the Sex Video Scandal," ngayong August 31 sa Magpakailanman.


WATCH: Klea Pineda, gaganap bilang babaeng may video scandal sa 'Magpakailanman'

WATCH: Jak Roberto reveals why Barbie Forteza isn't a fan of motorcycling in latest vlog