TV

Magpakailanman presents "Palimos ng Pag-Ibig: The Benjie and Rosel Pacaldo Story"

Updated On: December 27, 2018, 12:16 PM
Tunghayan ang kuwento ng dalawang nag-iibigan na nalagpasan ang mapanghusgang puso't isip ng mga nakakakilala sa kanila ngayong Sabado sa 'Magpakailanman.'

Karamihan ba sa inyo ay naging miyembro ng “samahan ng malalamig ang pasko?” at umaasang makakahanap ng magpapatibok ng puso bago matapos ang taon?

Magpakailanman
Magpakailanman

Kilalanin sina Benjie at Rosel…

Dalawang nilalang ang sasariwa sa napakakulay nilang totoong kuwento ng pag-ibig.

Ben Alves and Bea Binene
Ben Alves and Bea Binene

May kani-kaniyang kapintasan at kakulangan -sa pisikal na anyo man o sa pagtingin sa kanila ng iba pero hindi ito naging dahilan para hindi manaig ang pagkakaunawaan nila sa isa't isa.

Sa natatanging pagganap nina Benjamin Alves at Bea Binene, tunghayan ang kuwento ng dalawang nag-iibigan na nalagpasan ang mapanghusgang puso't isip ng mga nakakakilala sa kanila.

Makakasama sa nasabing episode sina Luz Valdez, Tanya Gomez, Jay Arcilla, Kristine Sablan at Karenina Haniel na pinamagatang “Palimos ng Pag-Ibig: The Benjie and Rosel Pacaldo Story”, sa ilalim ng direksyon ni Rado Peru, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos. Mapapanood ito ngayong Sabado, Dec 29, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.