
Tumawa, umiyak, kiligin at maniwala sa hiwaga at kapangyarihan ng tunay na pag-ibig sa kauna-unahang tambalan nina Romantic Comedy Queen Jennylyn Mercado at Hunky Comedian Jerald Napoles sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado sa Magpakailanman!
Tumawa, umiyak, kiligin at maniwala sa hiwaga at kapangyarihan ng tunay na pag-ibig sa kauna-unahang tambalan nina Romantic Comedy Queen Jennylyn Mercado at Hunky Comedian Jerald Napoles sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado sa Magpakailanman!
Paano nga ba kung nagmahal ka ng isang taong hindi kayang suklian ang iniaalok mong pag-ibig? Ano ang kaya mong gawin para s’ya ay makuha? Susugal ka ba sa paggamit ng gayuma?
Gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni Kukay, na sa murang edad ay quota na sa pag-ibig matapos iwan ng kasintahang si Marco at mag-isang alagaan ang anak nilang si Carlo.
Pero magbabago ang pananaw n’ya sa pag-ibig nang magkrus ang landas nila ni Benzar.
Agad-agad, mabibighani si Benzar sa ganda ni Kukay. Dedma naman si Kukay dahil una, 'di naman s’ya naghahanap ng jowa. Pangalawa, medyo lugi s’ya kapag nagkapalit sila ng mukha.
Sa una ay friendship lang ang alok ni Benzar na hindi naman tinanggihan ni Kukay. Pero nang malaman na gusto nitong manligaw, umiwas agad si Kukay.
‘Di naman nagpaawat si Benzar. Naniniwala siyang meant-to-be sila ni Kukay.
Patuloy itinaboy ni Kukay si Benzar at isa na lang ang naisip na paraan ni Benzar para mapasagot ang minamahal.
Ang kanyang naging sagot – gayuma.
Makakasama nina Jennylyn at Jerald sa episode sina Rafa Siguion Reyna, Maritess Joaquin, Claire Lansenebre, Sancho delas Alas, Lance Serrano, Erlinda Villalobos, Rolando Inocencio, Mach Duran at Richard Manabat.
Ang “Ang Gayuma Ng Pag-ibig” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto at pananaliksik ni Loi Argel Nova.
‘Wag palampasin ngayong Sabado, May 14, kung paaano mananaig ang kapangyarihanj ng tunay na pag-ibig, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines.