What's on TV

Magpakailanman presents 'Paskong Malamig ang Puso'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 8:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at umiyak sa totoong kuwento ng isang babae na tumandang dalaga ngunit hindi natitinag ang puso sa paghihintay ng lalaking sa kanya ay itinadhana


Ang bawat isa sa atin, mapalalaki man o babae, ay karaniwang inaasahang magtatapos ng pag-aaral, mag-aasawa, at magbubuo ng isang pamilya…

Pero sa salaysay na aming ibabahagi sa inyo, iba ang naging kapalaran ng ating bida…

Bagama’t maganda at may magandang career… nanatiling “single,” si Grace...Kung hindi naiinsecure ang lalaki dahil sa antas nila sa isa’t isa, nariyang iba’t iba ang naging rason para pag-ibig nila ay iniisantabi muna?!

Hanggang sa lumagpas na sa kalendaryo ang kanyang edad. ‘Ika nga’y tumanda na siyang dalaga…Para sa kanya nabigo nya ang pangarap ng ina... Ang makita syang ikinakasal... Nasira na rin ang nag-iisa nyang pag-asa nang sya ay magkasakit ng myoma na naging dahilan para hindi na sya magka-anak kung saka sakaling sya ay makakapag-asawa pa

Ito ba talaga ang kanyang tadhana o ang kanya bang puso ay mapapagod na sa kakahanap ng tamang lalaking inilaan para sa kanya?

Ngayong sabado, Disyembre 19… Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at umiyak sa totoong kuwento ng isang babae na tumandang dalaga ngunit hindi natitinag ang puso sa paghihintay ng lalaking sa kanya ay itinadhana...

Abangan si Ms. Alice Dixson sa natatanging pagganap bilang Grace, kasama pa sina Ms. Tessie Tomas, Samantha Lopez, Shelly Hipolito, Prince Villanueva, Jay Gonzaga, Sheila Marie Rodriguez at Ken Alfonso.

Ang “Paskong Malamig Ang Puso" ay sa ilalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal, sa panulat ni Agnes G. Gagelonia –Uligan at sa pananaliksik ni Angel Launo.

Huwag palampasin ang kwento tungkol sa pag-ibig at pag-asa ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.