Content creator, panay ang flex ng mga mamahaling gamit sa #MPK
Napapanahon ang pangalawang brand new episode ng "Alden August" month-long special ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Tatalakayin kasi nito ang wastong paggamit ng social media, maging content creator ka man o viewer.
Pinamagatang "Epal Dreamboy: The Richard Licop Story," kuwento ito ng isang content creator na panay ang flex ng kanyang mamahaling gamit sa social media.
Dahil dito, binansagan siyang "epal" at "mayabang" ng maraming netizens.
Ano nga ba ang kuwento sa likod ng "pagyayabang" niya tungkol sa mga materyal na bagay online?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Epal Dreamboy: The Richard Licop Story," August 12, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Ito ang pangalawang episode sa month-long special ng '#MPK' kung saan bibigyang-buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang apat na inspiring stories ng mga pambihirang tao.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Epal
Binansagang "epal" at "mayabang" si Richard dahil mahilig siyang mag-post tungkol sa mga mga mamahalin niyang gamit online.
Odd jobs
Nagsimula si Richard sa pagtatrabaho bilang dishwasher, fast food crew, tricycle driver at marami pang iba.