TV

Magpakailanman presents "Ang Huling Laro Ng Aking Anak"

Updated On: November 6, 2020, 06:23 PM
Ngayong Sabado, alamin ang kuwento ni Carlos – isang 14 anyos na anak na binuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalaro ng online computer games.


Ang buhay ng tao ay hindi gaya ng isang laro na maaaring ulit-ulitin. Ngayong Sabado, alamin ang kuwento ni Carlos – isang 14 anyos na anak na binuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalaro ng online computer games.

Na-stroke ang ama ni Carlos at na-confine ito sa ospital. Nagtulong-tulong ang buong pamilya sa kanilang gastusin. Subalit kahit anong kayod ang gawin nila, kulang pa rin ang kanilang pera. Dito na naisip ni Carlos na maglaro na lamang ng online computer games para magkapera. Dahil malaki ang kanyang kinikita, si Carlos na halos ang tumayong breadwinner ng pamilya.

Nalulong si Carlos sa paglalaro ng DOTA at ng iba pang computer games. Ang kinikita n’yang pera ay tinitipid talaga n’ya para sa pamilya n’ya. Hindi na s’ya kumakain o umiinom at kulang pa lagi sa tulog. Di nagtagal, binalikan din si Carlos ng sakit dahil sa labis na pang-aabuso n’ya sa sarili. Bigla na lamang s’yang bumagsak at nang itakbo sa ospital ay malubha na pala ang kanyang kalagayan!

Paano kung ang labis na pagmamahal ni Carlos sa kanyang pamilya ang s'ya palang maging sanhi ng malubha n'yang sakit? Paano ngayon haharapin ng buong pamilya ang panibagong pagsubok sa kanilang buhay? May pag-asa pa kayang makabangon sina Carlos?

‘Yan ang kuwentong ating tutuklasin ngayong Sabado, July 18, sa episode na pinamagatang “Ang Huling Laro ng Aking Anak”

Itinatampok sina Miguel Tanfelix bilang Carlos, Buboy Villar bilang Renz, Pancho Magno bilang Randy, Vincent Magbanua bilang Kenneth, Geraldine Villamil bilang Teacher Jema, Jazz Ocampo bilang Kristine at sa natatanging pagganap nina Eula Valdes bilang Rosalyn at Ricky Davao bilang Arman.

Sa ilalim ng direksyon ni Rico Gutierrez, mula sa panulat ni Venj Pellena, at pananaliksik ni Karen Lustica.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.