IN PHOTOS: Kuwento ng buhay ni Dagul, tampok sa '#MPK'
Buhay ng komedyanteng si Dagul ang mapapanood sa bagong episode at special Father's Day presentation ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tampok dito ang buhay ni Dagul nang magsimula siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.
Naging hamon din para sa kaniya nang dumating ang bunso at unica hija niyang si Jkhriez na nagmana ng kaniyang dwarfism.
Espesyal ang episode na ito dahil si Dagul mismo ang gaganap sa kaniyang sarili.
Abangan ang Father's Day special at brand new episode na "Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story," June 18, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka livestream din nang sabay ang episode sa Youtube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Father and daughter
Ibinahagi ng komedyanteng si Dagul at ng anak niyang si Jkhriez Pastrana ang kuwento ng kanilang buhay sa '#MPK.'
Brothers
Si Kim de Leon, Julius Miguel at Dentrix Ponce ang gaganap bilang mga anak ni Dagul at mga kuya ni Jkhriez.