What's on TV

Magpakailanman presents “Mga Anak ng Aking Asawa”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 5:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Aiai Delas Alas, tatanggapin ba ang anak ng asawa sa ibang babae? Tunghayan ngayong Sabado sa 'Magpakailanman!'


Aiai Delas Alas, tatanggapin ba ang anak ng asawa sa ibang babae--ngayong Sabado sa Magpakailanman!

Aiai Delas Alas makes her Magpakailanman debut bilang si Leda, ang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal pero hindi pa rin naubusan ng pagkalinga para sa ibang tao.

Nang matuklasan ni Leda ang relasyon ng kaniyang asawa sa kanilang kasambahay, at ang pagdadalang-tao ng babae, pinapili niya ang lalaki kung sino ang paninindigan nito: siya na kaniyang pinangakuan ng habang-buhay na pagmamahal, o ang babaeng nabuntis.

Pinili ng kaniyang asawa ang kanilang kasambahay. At pinili naman ni Leda na mag-move on at ibuhos ang atensyon at pagmamahal sa kaniyang mga anak.

Pero nang pumanaw ang kaniyang asawa, laking gulat na lang ni Leda nang biglang pumasok sa buhay niya si Anton, ang panganay na anak ng asawa sa labas, na may isang hiling lang sa kaniya: gusto nitong magpaampon dahil hindi siya inaalagaan ng kaniyang ina!

Paano tatanggapin ni Leda ang batang naging dahilan kung bakit siya iniwan ng asawa noon?

At kung matanggap man niya ito, magiging kasing accepting ba niya ang kaniyang mga anak na naagawan ng ama noon-- ng batang ngayon ay pumapasok sa kanilang mga buhay?

Kilala sa kaniyang mga comic roles in comedy films and television shows; ngayong Sabado ay ipapamalas naman ni Aiai ang kaniyang galing sa drama— kasama ng kaniyang sariling anak na si Sancho Vito Delas Alas!

Itinatampok rin, kasama ni Aiai Delas Alas, sa “Mga Anak ng Aking Asawa” sina Jay Manalo, Ana Capri, Mel Kimura, Renz Valerio, Rhen Escaño, Coleen Perez, Vince Velasco, Jinky Magan, Reese Tayag, Julia Chua, at Makee Dulalia; sa ilalim ng direksyon ni Gina Alajar, sa panulat ni Jason John Lim, at sa research ni Jessie Villabrille.

Magpakailanman airs this Saturday, May 16, pagkatapos ng Pepito Manaloto.