Magpakailanman
TV

Vina Morales at Gary Estrada, balik-tambalan sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Updated On: March 30, 2025, 11:30 PM
Bibida sina Vina Morales at Gary Estrada sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Balik-tambalan sina Vina Morales at Gary Estrada sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Matatandaang nagtambal sila sa ilang pelikula noong 90s.

Ngayon naman, gaganap sila bilang ex-lovers sa episode na pinamagatang "The Woman That Got Away."

Si Vina ay si Beth, habang si Gary naman ay si Paeng'. Muli silang magkikita matapos ang ilang taon nilang pagkakahiwalay.

Aminado silang may nararamdaman pa para sa isa't isa pero pamilyado na si Paeng.

"He's a hopeless romantic na medyo pinagkaitan ng ng kapalaran ng ilang ulit," paglalarawan ni Gary sa karakter niya.

Samantala, ito ang unang paglabas ni Vina sa Magpakailanman.

"Very excited, at the same time, full of emotions ako ngayon kasi nga 'yung ibang mga nakatrabaho ko before years ago, kasama ko sila ngayon--'yung mga production. Kaya parang alam mo 'yung emotions na 'yung nakatrabaho ko, until now they're still in the business, nagtatrabaho pa rin kami together. Parang reunion nga naming lahat ito ng production at the same time ni Gary," lahad naman ni Vina.

Bukod kina Gary at Vina, bahagi din ng episode sina Chuckie Dreyfus at Arny Ross.

Ano ang kahihinatnan ng muling pagkikita ng mga karakter nilang sina Beth at Paeng?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "The Woman That Got Away," March 29, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.