
Si Kapuso actress Ashley Ortega ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Patuloy siyang nakakatanggap ng mga papuri dahil sa kanyang pagganap sa GMA Prime series na Pulang Araw bilang isang madreng dinukot para maging comfort woman.
Muli niyang ipapamalas ang husay niya sa pag-arte sa bagong Magpakailanman episode na pinamagatang "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story."
Gaganap siya dito bilang Coleen, babaeng may scleroderma--isang autoimmune disease na nagiging sanhi ng paninigas at paninikip ng kanyang balat.
Dahil sa sakit na ito, magiging kakatwa ang panlabas niyang anyo na siya namang magiging sanhi ng matinding bullying kay Coleen.
Magagawa kaya ni Coleen na magkaroon ng confidence lalo na at walang lunas ang kanyang kundisyon?
Matapang namang nagsuot ng prosthetics si Ashley para maipakita ang pagbabagong dulot ng sakit sa mukha ni Coleen.
Bukod kay Ashley, bahagi in ng episode sina Arlene Muhlach, Ella Cristofani, Kim Perez, at Luis Hontiveros.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang natatanging pagganap ni Ashley Ortega sa brand-new episode na "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story," October 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.