'Magpakailanman', umani ng mahigit 4.6 billions views online
Isang malaking milestone na naman ang narating ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Umani kasi ang programa ng mahigit 4.6 billions views sa iba't ibang social media platforms nito kabilang ang Facebook, YouTube at TikTok.
"Lubos ang aming pasasalamat sa mahigit 4.6 billion total views sa social media para sa aming programa. Patuloy kaming magbibigay ng mga aral at inspirasyon ngayon, bukas, at magpakailanman," lahad ng host nito na si veteran newscaster and television host Mel Tiangco.
Ang Magpakailanman ay isang weekly drama anthology na nagsimula noong 2002. Isinasadula nito ang iba't ibang mga kuwento ng mga tunay na tao, maging celebrities man o karaniwang mamamayan.
Patuloy na panoorin ang mga parating na brand-new episodes ng Magpakailanman tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GMA.
Maaari rin itong mapanood online nang sabay sa Kapuso Stream.