IN PHOTOS: Kilalanin ang viral prinsesitas sa '#MPK'

Tampok ang dalawang beki prinsesitas sa sarili nilang talambuhay sa "Baklash: The Viral Prinsesas ng Navotas" ngayong Sabado, December 4, sa #MPK.
Sa episode na ito ang mga batang sina MJ at Lala ang mismong gaganap sa kuwento ng kanilang buhay. Sina MJ at Lala ay nag-viral sa social media dahil sa pambihira nilang dance moves.
Makakasama nila sa #MPK sina Jay Manalo, Epy Quizon, Lovely Rivero, Candy Pangilinan, Orlando Sol, Tess Bomb, at Rob Moya.
Tunghayan ang kuwento nina MJ at Lala sa "Baklash: The Viral Prinsesas ng Navotas" ngayong Sabado, December 4, 8:15 p.m. sa #MPK.






