Joem Bascon, unang beses mapapanood sa '#MPK'
Isang dekalibreng aktor na naman ang mapapanood sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa unang pagkakataon, bibida si Joem Bascon sa bagong episode na pinamagatang "Freedom to Love."
Gaganap si Joem bilang Honnie, isang lalaking nasa kulungan. Makikilala niya rito ang transgender woman at kapwa bilanggo na si Loyda, played by Donita Nose.
"I'm happy po na nare-represent din namin 'yung sector ng LGBT and to be part of #MPK for the first time. Unang beses ko po kasi mage-guest dito sa '#MPK' and I'm happy," kuwento ni Joem sa Kapuso Brigade Zoomustahan.
Reunion din niya ito kay Adolf Alix Jr., na nagsilbing direktor ng episode.
"Si direk Adolf po ang unang unang direktor na nakatrabaho ko for an indie film--for the film called 'Batanes.' GMA Films din po 'yun. Kasama ko doon si Iza Calzado. Siya po 'yung unang unang direktor na naktrabaho ko sa pelikula and I'm happy na nagkasama kami ulit," bahagi ng aktor.
Ibinahagi rin ni Joem ang sa isang aktwal na bilangguan sa Lipa kinunan ang #MPK episode niya.
"Masaya naman kasi minsan nakikisigaw, nakikigulo sila (inmates) kapag may mga eksenang masaya. Masaya lang 'yung experience," paliwanag niya.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "Freedom to Love: The Loyda and Honnie Love Story," March 23, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.