Alden Richards
Image Source: aldenrichards02 (Instagram)
TV

Alden Richards, hiniling na maging direktor si Gina Alajar sa pinakamatinding '#MPK' episode niya

By Marah Ruiz
Hiniling ni Alden Richards na si Gina Alajar ang mag-direct ng pinakamatinding '#MPK' episode ng "Alden August."

Espesyal para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang ika-apat at huling offering ng "Alden August" month long special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ang aktor mismo ang personal na pumili ng apat na kuwentong bibigyang-buhay niya at ang episode na pinamagatang "Sa Puso't Isipan: The Cantillana Family Story" raw ang pinaka paborito niya sa mga ito.

"Of all the scripts, ito talaga 'yung top one favorite ko. Ang ganda kasi ng kuwento ng buhay niya and at the same time, it was really really hard for him," pahayag ni Alden.

Tatalakayin ng episode ang issue ng mental health dahil iikot ito kay Andrew, isang lalaking nag-aalaga ng ama na may schizophrenia at inang may bipolar disorder at epilepsy.

"To be taking care of his parents and at the same time, 'yung challenges na pinagdaanan nila sa family, hindi biro to the point na siya na 'yung nag-break. Siya mismo, nawala sa kanyang sarili," bahagi ni Alden.

Ito ang pinaka intense sa lahat ng episodes na ginawa niya para sa "Alden August" kaya hiniling niya na si esteemed actress and director Gina Alajar ang kunin bilang direktor nito.



"Ang aking nanay, finally after a long time! Siya din po 'yung napili ko dito kasi she was my first director with my first ever Magpakailaman story," paliwanag ni Alden.

Tinutukoy ni Alden ang pagsasadula ng kanyang talambuhay noong 2013 kung saan si Gina ang nagsilbing director habang siya mismo ang gumanap sa kanyang sarili.

Mas tumibay pa ang pagkakaibigan nina Alden at Gina nang maging co-stars sa Start Up PH.

Bukod dito, minsan na ring binaggit ni Gina na isa si Alden sa mga aktor na pipiliin niya kung sakaling gagawin niya ang kanyang "last project" bilang direktor.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang pinakamatinding pagganap ni Alden Richards sa brand new episode na "Sa Puso't Isipan: The Cantillana Family Story," August 26, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.