TV

Aiai Delas Alas, inang magiging taong grasa sa 'Magpakailanman'

Updated On: June 21, 2024, 01:55 PM
Bibigyang-buhay ni Aiai Delas Alas ang kuwento ng isang ina na magiging taong grasa sa 'Magpakailanman.'

Si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ang bibida sa isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang ina na nawalay sa kanyang mga anak sa episode na pinamagatang "Inang Walang Pamilya."

Gaganap si Aiai bilang Rose, isang mabuting ina sa tatlo niyang mga anak. Pero matutukso si Rose at magkakaroon ng relasyon sa kaibigan ng kanyang asawa.



Mapapalayas si Rose sa kanilang tahanan at lalaki ang kanyang mga anak sa pangangalaga ng kanilang ama at mabuti nilang madrasta.

Susubukan ni Rose na buuin ang nasirang relasyon niya sa kanyang mga anak pero hindi pa handa ang mga itong patawarin siya.

Para hindi na muling mawalay pa sa mga ito, titira sa siya lansangan sa tapat ng kanilang tahanan kung saan matatanaw niya ang mga anak.

Ano ang kahihinatnan ni Rose dito? Lalambot ba ang puso ng kanyang mga anak at mapapatawad siya?

Bukod kay Aiai, bahagi ng ng episode sina Neil Ryan Sese, Joyce Ching, Jay Arcilla at Julia Pascual. Si Gina Alajar naman ang nagsibling direktor ng episode.

Abangan ang natatanging pagganap ni Aiai Delas Alas sa "Inang Walang Pamilya," June 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.