Rhian Ramos, gaganap bilang babaeng inabandona ng ina sa 'Magpakailanman'
Isang natatanging pagganap mula kay Kapuso actress Rhian Ramos ang dapat abangan sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Hiling sa Diyos: The Vange Uy-Cuaki Story," gaganap si Rhian bilang isang babaeng inabandona ng sarili niyang ina.
Galing sa isang tradisyunal na Filipino-Chinese family si Vange.
Magagawang sumama sa ibang lalaki ang nanay niyang si Carmen dahil hindi ito masaya sa piling ng asawang si Jessie na may kakulangan sa pag-iisip.
Kukunin ni Carmen si Vange pero dahil sa hirap ng buhay, ibabalik rin niya ito sa poder ni Jessie.
Pero pagbalik ni Vange sa kanilang tahanan, ikinasal na si Jessie sa dati nitong kasambahay na si Siena.
Ano ang magiging buhay ni Vange sa ilalim ng malupit na madrasta? Muli ba niyang makakapiling ang nanay na si Carmen?
Bukod kay Rhian Ramos, bahagi rin ng episode sina Marina Benipayo, Gilleth Sandico, at Jong Cuenco.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang natatanging pagganap ni Rhian Ramos sa episode na "Ang Hiling Sa Diyos: The Vange Uy-Cuaki Story," September 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.