Direk Maryo delos Reyes, hindi nagdalawang-isip sa pagpili kay Dominic Roco bilang 'Bobby'
Published On: December 12, 2013, 12:49 PM
Updated On: April 21, 2020, 09:38 AM
Hindi madaling gampanan ang role ng isang mentally-challenged person, ani Direk Maryo. Pero gamay na gamay na ito ni Dominic Roco.
Ang batikang direktor na si Maryo delos Reyes ang nagtitimon sa programang inaabangan tuwing hapon, ang Magkano ba ang Pag-big?
Nang makipagkuwentuhan si Direk Maryo sa GMANetwork.com kamakailan, buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang improvement ng isa sa lead stars ng show na si Dominic Roco.
“'Yong role ni Bobby, it’s a mentally challenged character. Nagkaroon kami ng effort kung paano i-approach ‘yong character, how to treat it as much as ‘yong age niya,” aniya, isang pag-amin na hindi madali ang role na ginagampanan ngayon ni Dominic.
Kaya laking tuwa ni Direk Maryo nang makita ang dedication at effort ng Kapuso actor upang bigyang justice ang challenging role na ito.
“Pinag-aralan din niya at nagagalingan ako kay Dominic Roco on how he attacks the character. Nagagamay na niya. Nakakatuwa siya kasi nakikita mo talaga 'yong character ni Bobby sa kanya,” buong pagmamalaking pahayag ni Direk.
Dagdag pa niya, “Malaki ang preparation na ginawa niya. Ngayon, gamay na gamay niya na.”
Sa simula pa lang, nakitaan na ng potential ni Direk Maryo sa pag-arte ang Kapuso actor kaya hindi siya nagdalawang-isip na ipagkatiwala ang role ni Bobby rito.
“We went through a workshop for the GMA Artist Center. I was the one handling it so I saw the potential. When I read the script, I saw the possibility that he can act Bobby.
Alam ko na makakayanan niya so hindi ako nagdalawang-isip o nag-doubt na magagampanan niya.”
Ayon pa kay Direk Maryo, maraming aral sa kwento ng Magkano ba ang Pag-ibig? Kabilang na rito ang kaakibat na pagsasakripisyo para sa pag-ibig.
“In order to get what you want, there are a lot of sacrifices along the way. Love can be learned and can be developed. It might just be around or beside you, hindi mo nano-notice.”
Dagdag pa niya, “Maaaring ma-tame ang emosyon, ma-dampen, ma-enliven. Maaaring buhayin sa pamamagitan ng truth in terms of loving, believing, in terms of accepting.”
Sa mga patuloy na sumusubaybay sa Magkano ba ang Pag-Ibig? ito ang mensahe ni Direk Maryo: “Sa bawat trabaho ko, I always guarantee that it's done with efficiency and hard work. It's guaranteed good entertainment, pinaghihirapan namin lahat ang ginagawa naming trabaho.”
Patuloy na subaybayan ang Magkano ba ang Pag-ibig tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Villa Quintana.
Para sa updates sa paborito niyong Kapuso shows and stars, laging bisitahin ang www.gmanetwork.com.
--Text by Eunicia Mediodia, Interview by Shively Abella, Photo by Bochic Estrada, www.GMANetwork.com