What's on TV

Katrina Halili bilang Margot sa "Magkano Ba Ang Pagibig?"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 14, 2020 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Isang bigating show ang aabangan ng mga manonood sa GMA Afternoon Prime ngayong darating na September 30, ito ang "Magkano Ba Ang Pagibig? Kasama sa show na ito ang nagbabalik-Afternoon Prime na si Katrina Halili. 

Isang bigating show ang aabangan ng mga manonood sa GMA Afternoon Prime ngayong darating na September 30, ito ang “Magkano Ba Ang Pagibig?.”

Tampok sa show na ito ang love triangle nila Heart Evangelista bilang Eloisa Aguirre, Sid Lucero bilang Lucio Aragon at Dominic Rocco na gaganap naman bilang si Bobby Buenaventura.

Kasama rin sa “Magkano Ba Ang Pagibig?” ang mga karakter na gagampanan nila Celia Rodriguez, Pen Medina, Alessandra de Rossi, Isabel Oli, Ana Capri, Sharmaine Centenera, Luz Valdez, Vangie Labanan, Mariel Pamintuan, Nicky Castro, Angelo Ilagan at Katrina Halili.

Sa press conference ng nasabing show, hindi na nakaiwas sa press si Katrina Halili na gaganap bilang Margot sa Afternoon Prime soap.

Ani Katrina, pagda-diet daw ang kaniyang pinagtutuunan ng pansin bilang paghahanda para sa “Magkano Ba Ang Pagibig?.” Biro pa nito, kailangan daw niya kasing sabayan ang mga nagpapayatang mga aktress na makakasama niya tulad nina Heart Evangelista at Alessandra de Rossi.

Nang tanungin naman ng GMANetwork.com si Katrina kung anong diet ba ang ginagawa niya, sinabi nito na hindi na raw siya kumakain ng ordinaryong kanin dahil black rice na ang kinakain niya ngayon.

“Isang beses na lang ako kumakain ng kanin. Kung minsan mga thrice a week na nga lang,” dagdag pa nito.

Bukod sa pag-aadjust ni Katrina sa pagkain, sinasabayan niya rin ito ng exercise na tinatawag na Rip-60 na isang cardio workout. Kasama niya sa pagwoworkout sa gym ang kaniyang asawa na si Kapuso actor/singer Kris Lawrence. Halos 30 lbs na raw ang nabawas kay Katrina dahil dito at sa kaniyang healthy diet.

Kinakailangan nga talaga ni Katrina na magpapayat dahil hindi pa niya naaalis ang body fat na dulot ng pagbubuntis niya kay Katrence, ang kanilang unang anak ni Kris Lawrence.

Nang tanungin si Katrina kung sino ang nag-aalaga sa kanilang baby tuwing may trabaho silang mag-asawa, yaya lang daw ang tumitingin kay Katrence.

“Actually kakabili ko lang ng iPad… madali na kasi ngayon nakikita mo na siya [Katrence] sa We Chat, Line, Facetime… gusto ko pa rin kasing nakikita ang baby ko kahit nasa trabaho ako,” sabi ni Katrina.

Tila napakabilis ng panahon kay Katrina dahil mag-iisang taon na pala si Katrence ngayong September 18. Isang birthday celebration daw ang pinaghahandaan ng mag-asawang Kris at Katrina sa darating na Biyernes, September 20, na may theme na Candy land.

Abangan si Katrina Halili bilang Margot sa GMA Afternoon Prime show na “Magkano Ba Ang Pagibig?” on September 30. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com