Paano pinaghandaan ni Juancho Trivino ang mga eksena niya sa 'Magkaibang Mundo?'
Madalas magpakita ng katawan si Juancho Trivino sa Afternoon Prime series, paano nga ba n'ya pinaghahandaan ito?
Madalas magpakita ng katawan si Juancho Trivino sa Afternoon Prime series na Magkaibang Mundo, kaya tinatanong ng GMANetwork.com kung paano niya pinaghandaan ang kanyang mga eksena.
READ: EXCLUSIVE: Juancho Trivino, nasanay nang laging hubad sa 'Magkaibang Mundo'
"Kailangan kasing preparation, para sa pagda-diet, before the show," pahayag ng young actor sa isang exclusive interview.
LOOK: Juancho Trivino spends afternoon playing paintball with fans
Pagpatuloy pa niya, "Kasi, kapag nagso-show ka na, kalaban mo na diyan puyat, fatigue, so kailangan mo talagang kumain nang kumain. Hindi mo talaga maiiwasang mag-gain ng weight."
Kaya may advice si Juancho sa mga gustong paghandaan physically ang isang role.
"Before going into the show na marami kang pahinga, puwede kang mag-trial and error sa diets mo, I suggest you do that para sa physique na gusto mo."
MORE ON JUANCHO TRIVINO:
Juancho Trivino, naging madali ang makapareha si Louise delos Reyes dahil sa kanilang "relationship"