TV comeback ng 'Magkaagaw,' malapit na!
Malapit na ang pinakaaabangang comeback ng afternoon prime series na Magkaagaw dahil sisimulan na ang taping para rito.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, naputol ang kwento ng serye sa habang nasa panganib ang karakter ni Klea Pineda na si Clarisse pati na ang kanyang ina si Laura, ang role na ginagampanan naman ni Sunshine Dizon.
Ito ay pakana ni Veron, karakter ni Sheryl Cruz, para patuloy na maitago ang relasyon nila ng asawa ni Clarisse na si Gio, role ni Jeric Gonzales.
“'Yung last na nag-taping kami, 'yun 'yung point na papunta na ako sa hotel para hulihin sila, e. Sakto nga naman sa lockdown natin,” ani Klea nang makapanayam ng 24 Oras.
Dagdag pa ni Jeric, “With Gio naman, nandu'n na sa kanya 'yung point na akala ni Veron, walang way na mahuhuli sila kasi ang galing nila, e. Pero siyempre, dumadating talaga sa point na hindi natin maitago ang kasalan.”
Source: kleapineda (IG) ; jericgonzales07 (IG)
Puspusan na rin ang paghahanda ng cast para rito dahil bukod sa script reading ay binabantayan din nila ang kanilang fitness para sa pagbabalik-taping ay mapanatili ang continuity ng kanilang mga figure.
“It's really a commitment, e. It's also our obligation to finish what we started and I think we owe it to the audience na hindi natin sila pwedeng bitinin na hanggang du'n na lang,” ani Sunshine.
Sa fitness naman nakatuon si Sheryl.
“Kung talagang gugustuhin mo na panatilihin na fit ka siguro gagawa ka ng paraan para maging fit ka kahit isang oras lang sa isang araw,” aniya.
Source: officialsherylcruz (IG)
Samantala, kasama rin ang COVID-19 survivor na si Lovely Abella at kahit nahawaan ng sakit noon ay handa pa rin siyang sumabak sa trabaho.
“Nandu'n po 'yung pag-iingat. Every day lumalabas ako pero mine-make sure ko na tatlo na ang filter ng mask ko,” aniya.
“'Di bale nang hindi makahinga, makapag-mask lang,” biro pa ni Lovely.
Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.