TV

Klea Pineda shares loved up photo with 'Magkaagaw' co-star Jeric Gonzales

By Cara Emmeline Garcia
'Magkaagaw' star Klea Pineda posted a loved up photo with her co-star Jeric Gonzales.

Isang kilig na naman ang hatid ng Magkaagaw stars na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Sa Instagram ng young actress, ibinahagi nito ang isang close up selfie nilang dalawa kasama ang caption na, “Wouldn't want nobody else by my side.”

Wouldn't want nobody else by my side

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda) on

Sa parte naman ni Jeric, nag-post ito ng isang mini video nilang dalawa ni Klea habang naka-makeup na pangmatanda hango sa isang eksena sa hit GMA Afternoon Prime series.

Ani Jeric, “Kahit maputi na ang buhok mo,” na sinabayan pa ng heart-eyes emoji.

Kahit maputi na ang buhok mo 😍

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07) on

'Di naman makapagpigil sa nararamdamang kilig ang kanilang co-star na si Sheryl Cruz at ilan pang fans sa nakikita nilang developan ng dalawang aktor on-screen.

Sabi ng aktres, “Bagay.”

Magkaagaw actress Sheryl Cruz
Magkaagaw actress Sheryl Cruz

On-screen at off-screen relationship ba?

Kaya naman ang tanong ng karamihan: may namamagitan nga ba talaga sa kanila o bahagi pa rin ba ito ng kanilang pag-promote sa drama series.

'Di naman ito ang unang pagkakataon na sinagot nila ang haka-haka ng kanilang fans.

Bahagi ni Klea noon, hindi raw imposible na magkagusto siya sa kanyang co-star.

Sambit nito “Bakit hindi? Anything's possible.

“Dito po sa show [Magkaagaw] na ito, mas naging open kami sa isa't isa at mas naging komportable kami sa isa't isa.

“Sobrang gentleman ni Jeric, sobrang nirerespeto niya 'yung babae.

“Like, in-a-ask niya po, 'Okay lang ba 'tong scene na 'to?' bago namin gawin and kung saan ako komportable.

“'Yun 'yung nagustuhan ko kay Jeric, very gentleman and very respectful.”

Noong Valentine's Day, niregaluhan pa ni Jeric Gonzales si Klea ng three white roses para ipagdiwang ito.

Happy hearts day ❤️

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07) on

Bahagi naman ng aktor noon sa GMANetwork.com, marami raw siyang nagugustuhan tungkol kay Klea lalo na ang passion at work ethic pagdating niya sa kanyang trabaho.

“I like her determination and passion sa lahat. Kitang-kita ko 'yung fire sa mga mata niya tuwing nagte-taping kami.”

Nagkasama sina Klea Pineda at Jeric Gonzales noon sa Maynilad at sa Ika-5 Na Utos kung saan gumanap sila bilang Candy Buenaventura at Brix Lorenzo.


Patuloy na subaybayan ang Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!

Mapapanood rin ang full episodes nito sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

LOOK: Klea Pineda and Jeric Gonzales grace the cover of a lifestyle magazine

IN PHOTOS: 'Magkaagaw' stars Klea Pineda and Jeric Gonzales have sweet time in Ilocos

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.