Jio takes his daughter from Clarisse | Ep. 77
Sa January 17 episode ng Magkaagaw, aagawin ni Jio (Jeric Gonzales) si Jade (Cassandra Valerias) kay Clarisse (Klea Pineda) matapos mahuli itong may kasamang ibang lalaki.
Kahit anong pilit ni Clarisse na mali ang hinala ni Jio ay pilit pa ring kukunin ni Jio si Jade sa kanya.
Laking gulat naman ni Veron (Sheryl Cruz) nang malaman niya ang ginawang pagkuha ni Jio kay Jade.
Tutukan ang pinakamainit na agawan tuwing hapon, ang Magkaagaw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.