
Sa December 28 episode ng Magkaagaw, walang nagawa ang pang-aakit ni Veron (Sheryl Cruz) kay Jio (Jeric Gonzales) dahil desidido na ito na ayusin ang kanyang relasyon sa kanyang asawa na si Clarisse (Klea Pineda).
Pilit pa rin sinusubukan ni Jio na magkaayos sila ng kanyang asawa ngunit wala na itong amor sa kanya dulot ng kanyang pagtataksil.
Panoorin ang episode highlights ng Magkaagaw:
Huwag palampasin ang kuwento sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.