dyosa pockoh in maging sino ka man
Source: dyosapockoh12_official (IG)
TV

Dyosa Pockoh, mapapanood sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Gaganap ang Batangueño content creator na si Dyosa Pockoh bilang Babushka sa special limited series na 'Maging Sino Ka Man.'

Abangan ang Batangueño content creator na si Dyosa Pockoh sa bagong GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.

Sa post-credits ng episode ng special limited series noong Biyernes, September 22, ipinasilip ang mga mangyayari ngayong linggo sa serye, kabilang na ang paglabas ng nasabing social media personality.

Gaganap si Dyosa Pockoh bilang Babushka, kanang-kamay ni Shonda, na ginagampanan ni Jean Saburit, ang landlady nila Carding, na ginagampanan ni David Licauco.

Sa teaser, maghahanap sina Shonda at Babushka ng mga posibleng kalahok sa isang gay beauty pageant.

Sa kaniyang Instagram account, ibinida ni Dyosa Pockoh, na may totoong pangalan na Francis Valle Suayan, ang ilang behind-the-scenes photos mula sa set ng Maging Sino Ka Man.

Nakapagpakuha rin ng litrato ang content creator sa mga bida ng show na sina Barbie Forteza at David Licauco, at sa iba pang cast members tulad ni Faith Da Silva.

Mapapanood ang Maging Sino Ka Man weekdays, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Ipinapalabas din ang special limited series sa GTV at 9:40 p.m.

Mapapanood din ang Maging Sino Ka Man online kasabay ng pag-ere nito sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang catch-up episodes at episodic highlights ng programa sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

Ang Maging Sino Ka Man ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.