Improvised lines nina Barbie Forteza at David Licauco, abangan sa 'Maging Sino Ka Man'
Ongoing na ang taping ng upcoming series na Maging Sino Ka Man, na pagbibidahan nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco.
Itinuturing daw na personal challenge ni David ang ilang maaksiyong eksena sa serye. Siya kasi mismo ang gumagawa ng ilang stunts at hanggat maaari, hindi gumagamit ng body double.
"I think prior to this, hindi ko na-imagine ever na kaya ko siyang gawin. Maging Sino Ka Man is a full-fledged action teleserye which is why I'm very challenged talaga. But those challenges keep me alive and i feel like I love challenges kasi that's where a person grows," pahayag ng aktor.
KILALANIN ANG CAST NG MAGING SINO KA MAN DITO:
Ayon kay David, binigyang daw sila ng ni Barbie ng kalayaan kung paano nila bibiyang-buhay ang kanilang mga karakter. Dahil dito, dapat daw abangan ang ilang improvised lines nila sa serye.
"I think 'yung difference nito with Maria Clara at Ibarra and 'yung movie na That Kind of Love, the director gave us the go signal to improvise. Minsan 'yung mga sinasabi namin doon is wala sa scriopt. I think 'yun 'yung big difference and i really enjoy working with barbie, of course," kuwento ni David.
Kaya naman daw makikita rin ang sarili nilang mga personalidad sa kanilang mga karakter.
"Yeah, to a degree. But siyempre, kailangan ko pa rin incorporate 'yung Carding and, siyempre, si Barbie she has to incorprate 'yung Monique.
Ang Maging Sino Ka Man ay ang television adaptation ng 1991 movie na may parehong pamagat at pinagbidahan nina Megastar Sharon Cuneta at actor turned politician Robin Padilla.
Makakasama nina Barbie at David sa TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, at Rain Matienzo.
Mapapanood din dito ang mga batikang artista na sina Jean Garcia at Jeric Raval.--