TV

WATCH: 'Madrasta' stars, may tips for Valentine's Day

By Cherry Sun
Maligayang araw ng mga Puso mula sa cast ng 'Madrasta!'

Ibinahagi ni Arra San Agustin at ibang cast ng Madrasta ang kanilang tips sa pag-celebrate ng Valentine's Day.

READ: Full episodes ng Madrasta, pwede nang mapanood online!

Bigay-diin ni Arra, ang Araw ng mga Puso ay hindi lamang para sa mga magnobyo at magnobya.

EXCLUSIVE: Arra Agustin, ano ang gagawin kung siya ang nasa posisyon ni Audrey?

Aniya, “On this day, kung hindi man natin napapakita 'yung love natin and appreciation sa mga mahal natin sa buhay, not just for couples but for your family and your friends, siguro pakita natin. Bigay natin sa araw na ito na ipakita natin 'yung totoong pagmamahal natin sa mga mahal natin sa buhay.”

Mungkahi naman ni Thea Tolentino, gawing espesyal ang inyong celebration sa pamamagitan ng pagluto at pagsorpresa sa inyong mga mahal sa buhay.

Para kay Juancho Trivino, ano pa man ang gawin mong selebrasyon, ang mahalaga ay sincere ito at mula sa puso. Sang-ayon din dito si Phytos Ramirez na naniniwalang ang bawat minutong kapiling niya ang kanyang mahal ay espesyal.

EXCLUSIVE: Juancho Trivino, kaya ba ang pinagdadaanan ng kanyang Madrasta character?

Panoorin:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.