TV

EXCLUSIVE: Arra Agustin, ano ang gagawin kung siya ang nasa posisyon ni Audrey?

By Cherry Sun

Kung si Arra San Agustin ang tatanungin, iba ang kanyang gagawin kung siya ang malagay sa sitwasyong hinaharap ng kanyang karakter sa Madrasta na si Audrey.

Sa kuwento ng Kapuso drama, nagdadalang-tao si Audrey. At ayon sa ginawang DNA test ni Katharine (Thea Tolentino), si George (Anjo Damiles) ang tunay na ama ng ipinagbubuntis nito, na resulta ng pananamantala ng huli.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Arra na kung siya ang nasa posisyon ng kanyang karakter ay ipapagpatuloy niya ang kanyang pagbubuntis ngunit may isa pa siyang gagawin.

EXCLUSIVE: Juancho Trivino, kaya ba ang pinagdadaanan ng kanyang Madrasta character?

Wika niya, “Doon sa eksena na 'yun, hindi ko pa rin talaga sure kung sino talaga 'yung [tatay ng] anak ni Audrey.

“Better, magpapa-DNA test ako nang hindi nalalaman ni Katharine para lang ma-make sure ko rin.

“Kasi, hindi pwedeng hayaan mo nalang na ganyan na may magsasabi sa'yo, may magdidikta sa'yo na iba 'yung tatay ng anak mo. Siyempre, gusto ko rin malaman.

“Although kahit gustung-gusto ko malaman, at sobrang curious ko, iki-keep ko 'yung baby at the same time.”

Dagdag pa niya, “Para lang magkaroon lang din ako ng peace of mind, aalamin ko at sasabihin ko sa partner ko.

“Siyempre, ime-make sure ko muna, kung hindi man siya, sasabihin ko pa rin sa kanya na hindi nga talaga siya 'yung tatay.”

Sang-ayon din sina Gladys Reyes at Manilyn Reynes na dapat ay maging matapat pa rin ang magiging ina tungkol sa kanyang pagbubuntis at na dapat ay ipagpatuloy pa rin niya ito.

WATCH: Madrasta stars go live on FB, take us behind the scenes to thank fans for high ratings

Sambit ni Gladys, “Yes, I will keep the child and be honest with my partner because I firmly believe that if you'll hide, it will later be revealed. So it's better to be honest na from the start.”

Binigyang-diin din ni Manilyn na walang kasalanan ang bata sa mga ganitong sitwasyon.

Pahayag niya, “You know a baby is always a blessing. If Audrey thinks that the baby is George's or maybe the baby is Sean's, no one knows, 'no?

“Pero if Audrey really knows kung ano ang nangyari between her and George, I think dapat she should be honest and tell Sean about it.

“It is not Audrey's fault. Lahat sila victim I guess, you and the baby kaya lang, siyempre, the baby has no fault, e. In all this, walang kasalanan ang baby always.

“So siguro kung ako si Audrey, I'd keep the baby, I'm gonna tell Sean about it.

“Depende na rin kay Sean kung matatanggap niya, provided nga kay George 'no and if something bad happened nga sa kanila.

“Pero you can never and you shouldn't blame the baby.

“So keep it, alagaan mo, love the baby kasi nanay ka, e. And mothers, 'yan ang ginagawa. Mothers always take care of the baby. Ang mothers laging ninu-nurture ang baby.”