LOOK: Viral YouTubers Brusko Bros, mapapanood sa 'Madrasta'
#SquadGoals talaga ang viral YouTubers na Brusko Bros. Mapapanood na rin kasi sila sa upcoming Kapuso drama na Madrasta.
Ibinahagi ng Brusko Bros ang kanilang kuha kasama ang Madrasta lead stars na sina Arra San Agustin at Juancho Trivino. Umeksena kasi ang kanilang barkada sa upcoming Kapuso drama.
Hindi rin basta-basta pinaglapas ng Brusko Bros ang kanilang pagbisita sa set ng Madrasta. Habang excited na ang kanilang followers na malaman kung kailan sila mapapanood sa nasabing Kapuso drama, ilang exclusive videos din kasama ang Kapuso stars ang dapat abangan sa channel nila.
WATCH: Arra San Agustin takes us to the set of Madrasta
Nakipagkulitan ang Brusko Bros kina Arra, Juancho, Phytos Ramirez, Gladys Reyes, Zachie Rivera at Jom Manansala. Ano-ano kayang challenges ang hinarap ng Kapuso stars?
Tutok lang sa GMANetwork.com for updates!