Luv Is Caught in His Arms cast
Courtesy: GMA Network
TV

'Luv Is: Caught in His Arms' viewers, may iba't ibang reaksyon sa finale episode ng serye

By EJ Chua
Nagre-request agad ng Season 2 ng 'Luv Is: Caught in His Arms' ang mga manonood!

Kasunod ng pagtatapos ng Luv Is: Caught in His Arms, bumuhos ang sari-saring reaksyon ng mga manonood at netizens tungkol sa mga huling tagpo nito.

Kahapon, March 10, napanood sa finale episode na nauwi sa isang trahedya ang pag-amin ni Samuel (Dion Ignacio) sa nagawa niyang matinding kasalanan.

Siya ang may sala sa pagkamatay ng ina ni Florence (Sofia Pablo), na naging dahilan din upang malayo si Florence sa mga Almero.

Para mailigtas sina Florence at Nero (Allen Ansay), isinakripisyo ni Tristan (Vince Maristela) ang sarili niyang buhay, bagay na ikinalungkot ng viewers at fans ng programa.

Narito ang ilang komento ng viewers tungkol sa huling episode ng serye:

Ang naturang kilig serye ay ang first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios na TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng isang Filipino author.

Maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa Luv Is: Caught in His Arms, mga Kapuso!

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY SA IBABA:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.